Posts

Showing posts from March, 2020

Bionote: Historia Profesional

Image
DRA. GAMBOA: KATANGI-TANGING LEGISIYA Si  Dra. Imelda Lopez Gamboa , ipinanganak sa Manila, ay isang rehistradong dentista sa larangan ng  orthodontics ,  restorative dentistry  atbp, sa kanyang sariling klinika na “Gamboa Dental Clinic”. Nag-aral siya sa La Consolation ng mataas na paaralan noong 1979-1983 at sa kolehiyo naman ay nag-aral siya ng dentistry sa De Ocampo Memorial College sa Santa Mesa, Manila mula 1983 at nakapagtapos noong 1990 at naging ganap na dentista. Ilan sa mga organisasyong kanyang kinabibilangan para sa mga dentista ay ang  Philippine Dental Association (PDA)  kung saan isa siyang Board Member nito at Immediate Past President (2019-kasalukuyan) ng Ilocos Norte Dental Chapter. Ginawaran din siya ng Leadership Award at Presidential Merit Award ng Philippine Dental Association. Naging Chief Delegate ng House of Representative rin siya noong 2018. May mga programa  din siyang inilunsad na mga programa n gayong 2019 ka...

Replektibong Sanayasay:Una Retrospección

MAKATARAUNGAN BA O HINDI? Kamakaylan lamang ay naging mainit ang balitang patungkol sa isang gurong natanggal ang lisensya sa pagiging guro dahil sa ginawa niyang "pagdisiplina" sa isa niyang estudyante. Nagreklamo ang lola ng estudyante dahil sa kaniyang ginawa sa kanyang apo at idineretso niya ito sa "Raffy Tulfo in Action" kung saan pinapili siya kung itataas nila ang kaso sa korte o kung aalisan siya ng lisensiya at pinili niya ang mas nahuli. Kung sisiyasatin ang sitwasyon, karapat-dapat ba ang ginawa nila o ang proseso ng pagkakalakad batay sa mga ebidensiyang naipresenta? Dahil sa mainit na diskusyon tungkol sa balitang ito, hindi kabigka-bigla na nalaman ko ito. Ako ay nairit noong narinig ko itong balita na kung saan napakaraming mga tao ang nagkaroon ng reaksyon tungkol dito at ang palabas naman ni Tulfo ay hindi masyadong lihitim ang mga "premises" na nagbasehan nila sa pagpapatanggal ng lisensya ng guro. Bukod pa riyan, hindi magka...

Lakbay-Sanaysay: Viaje de Su Vida

Image
HAMOG SA PARAISO M alamig. Mabundok. Maganda. Sa likod ng mga matatayog na bundok ng lugar na ito, nakatago ang isang lugar na puno ng ikamamangha. Ang lamig nito ay kasing-init din nang nagbabagang apoy ng kultura nito na madalas dinadayo ng mga turista. Nakaaaliw. Nakamamangha. Ito ang Baguio City ng ating bansa. Tunay ngang maganda ang lugar na ito hindi lamang dahil sa mga matatarik na burol o bundok nito, sa mahalumigmig na hangin nito, sa mga makukulay na bulaklak at mga sariwang gulay, at iba pang pisikal nitong kagandahan kundi pati na rin ang mayaman nitong kasaysayan at kultura. Mahilig kasi kami ng pamilya ko na maglakbay sa Baguio kaya hindi na bago na alam ko ang mga ito. Ang huling pagpunta ko rito ay noong Nobyembre kasama ang mga guro at kaklase ko para sa isang patimpalak na sinalihan namin. Marami kaming pinasyalan na mga lugar na kahit ilang beses ko nang napuntahan ay parang unang beses ko pa lamang maranasan. Ilan sa mga lugar na pinuntahan namin...

Photo Essay: Imagina Recuerdos Perfectos

Image
MANGHA AT ALIW NA MATATANAW SA INCAT Kamanghamangha. Sa pagbungad pa lamang ng gate ng Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT) ay makikita mo na ang kaibahan nito sa ibang mga paaralan. Sa mismong arko ng harap nito ay makikita mo na ang malaking arkong may hugis ng  gear wheel  na ito. Sinisimbolo ito ang pagkamasining at pagkakaiba ng paaralan na ito sa iba.   Kakaiba rin ang ginawa nilang pangongondisyon sa mga mag-aaral. Araw-araw, pagkatapos ng kanilang mga klase, sila ay nakalinya sa labasan at may hawak-hawak na basura para ilagay sa lagayan nito. Dahil sa disiplinang ipinapakita ng mga estudyante ay patuloy na umaayos ang kalidad ng paaralan.   Kung sa mga aspekto ng kalinisan at kalusugan, hindi magpapatalo ang INCAT dahil mayroong mga  multi-purpose  na mga gripong nakaistasyon sa iba’t ibang bahagi ng paaralan upang ang mga estudyante ay manatiling maging malinis sa kanilang pananatili. Tumutulong din ito sa ...

Panukalang Proyekto:La Solución a un Problema

PAMAMAHALA NG BASURA SA ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES (INCAT) Pamagat ng Proyekto:  Pagpapalawak sa Material Recovery Facility (MRF) para sa Wastong Pamamahala ng Basura sa paaralan ng Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT) Proponent ng Proyekto:  Ikatlong Grupo ng HUMSS Cariño ASUNCION, PRECIOUS mula sa INCAT FUERTE, JEROME mula sa INCAT GASPAR, KIMBERLY mula sa INCAT LABAO, APRIL JOY mula sa INCAT PAGUYO, MEL ANDREI mula sa INCAT PARUNGAO, MELBOURNE mula sa INCAT PASCUAL, JEREMY mula sa INCAT RENTEGRADO, YSHIA MARIE mula sa INCAT Katergorya ng Proyekto:  Renobasyon Petsa:  Sa umpisa ng taunang pampaaralan hanggang sa katapusan nito. I.               Panimula A.     Rasyunal Ang proyektong ito ay isinasakatuparan ang pagsasaayos ng Material Recovery Facility (MRF) at ang pagwawasto ng pamamahala ng basura sa INCAT sapagkat hindi m...

Posisyong Papel: El Punto de Vista

PAGSUOT NG UNIPORME: KAILANGAN BA O HINDI? Uniporme. Isa sa mga prominenteng magbibigay ng pagkakakilanlan sa isang institusyon at ng mga estudyanteng pumapasok dito. Gayunpaman, isa ito sa mga usapang hindi nabubura dahil mayroong magkatunggaling panig tungkol dito, kung ito ba ay kinakailangan o hindi ng mga estudyante at kung paano ba ito nakakaapekto sa pag-aral ng mga kabataan. Palaging ipinglalaban ng katunggali na mainam ang pagsuot ng uniporme sa paaralan ngunit napagtanto namin na hindi naman talaga kailangan ang pagsusuot ng uniporme dahil wala naman itong significant na maidudulot sa paaralan. Ayon sa katunggali, ito raw ay nakakakulong sa pagdaragdag ng seguridad ng bawat estudyante, magtatanggal ng diskriminasyon patungkol sa socio-economic class , nakakabawas ng gastusin sa mga magulang dahil sa iisang set ng mga uniporme ng bata at hindi na kinakailangan ang pabago-bagong kasuotan, at nakatutulong ito sa paglalaan ng mga estudyante ng kanilang atensyon sa pa...