Panukalang Proyekto:La Solución a un Problema
PAMAMAHALA NG BASURA SA
ILOCOS NORTE COLLEGE OF ARTS AND TRADES (INCAT)
Pamagat ng Proyekto: Pagpapalawak sa Material Recovery Facility (MRF) para sa Wastong Pamamahala ng Basura sa paaralan ng Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT)
Proponent ng Proyekto: Ikatlong Grupo ng HUMSS Cariño
ASUNCION, PRECIOUS mula sa INCAT
FUERTE, JEROME mula sa INCAT
GASPAR, KIMBERLY mula sa INCAT
LABAO, APRIL JOY mula sa INCAT
PAGUYO, MEL ANDREI mula sa INCAT
PARUNGAO, MELBOURNE mula sa INCAT
PASCUAL, JEREMY mula sa INCAT
RENTEGRADO, YSHIA MARIE mula sa INCAT
Katergorya ng Proyekto: Renobasyon
Petsa: Sa umpisa ng taunang pampaaralan hanggang sa katapusan nito.
I. Panimula
A. Rasyunal
Ang proyektong ito ay isinasakatuparan ang pagsasaayos ng Material Recovery Facility (MRF) at ang pagwawasto ng pamamahala ng basura sa INCAT sapagkat hindi maayos ang kasalukuyang pamamaraan ng paaralan dito. Bilang tulong sa suliraning ito, ang mga basura na mapupulot ng mga estudyante ay bibilhin ng paaralan at kanilang isasaayos ayon sa uri ng basura na ibebenta nila para maka-ipon ng pondo na magagamit sa pagsasaayos ng MRF.
B. Deskripsyon
Sa pagpapaayos sa MRF, maaaring bigyan ng solusyon ang congestion ng basura sa paaralan at maisasaayos pa ang mga ito ayon sa uri nila (kung plastic, papel, glass, atbp). Titipunin ito ng mga mag-aaral at maaari nilang ibenta sa mga manufacturer at junkshops na gumagamit ng mga recyclable materials para sa iba’t ibang uri ng produkto. Sa ikalawang bahagi ng proyekto, maglalaan ang paaralan ng kaukulang badyet para pambili ng mga basura mula sa mga estudyante na iimbakin ng paaralan at kanilang ibebenta para maenganyo sila na mag-imbak at magbenta ng basura, at ang paaralan naman ay makapag-iipon ng pera na pandagdag sa badyet ng paaralan.
II. Katawan
A. Layunin
Nais nitong makamit ang mga sumusunod:
a) Nilalayun nitong bigyan ng solusyon ang pagtambak ng mga basura sa iba’t ibang sulok ng paaralan;
b) Gusto nitong ayusing ang MRF ng paaralan upang mapakinabangan ito ng mga estudyante at nang makatulong sila sa pamamahala ng basura sa paaralan;
c) Ang ikalawang bahagi ng solusyon ay, bukod sa pagsasaayos ng basurahan, nilalayun din nitong maka-ipon ng pondo na maidadagdag sa kasalukuyang pondo ng paaralan.
Magiging kapakipakinabang ang proyektong ito para sa kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante at guro. Maaaring iangat ang kaayusan ng paaralan at ng administrasyon nito, at makakatulong sa mga faculty, kasama ang mga janitor, sa pagtataguyod ng kalinisan sa paaralan sa buong taunang pampaaralan.
Kasangkot sa Proyekto
· Mga estudyante ng INCAT sa lahat ng antas
· Mga guro at mga faculty
B. Talatakdaan ng Gawain
Petsa
|
Kahaba ng oras gugugulin
|
Mga Gawain
|
Pangalan
|
Lugar
|
02-11-20
|
Isang linggo
|
Pagkonsulta sa Guidance Councelors, Supreme Student Government (SSG),at Student Leaders ng bawat baitang.
|
Ikatlong Grupo ng HUMSS 11 Cariño
|
Ilocos Norte College of Arts and Trades
|
02-18-20
|
Labing-apat na araw
|
Paghingi ng permiso at pagpapirma sa pagpatupad ng proyekto sa Principal, at Asst. Principal ng paaralan.
|
Ikatlong Grupo ng HUMSS 11 Cariño
|
Ilocos Norte College of Arts and Trades
|
03-03-20
|
Sampung araw
|
Pag-canvass ng mga kakailanganing materyales at paghahanap ng maaring pagbentahan ng makakalap na basura at mga laborer.
|
Ikatlong Grupo ng HUMSS 11 Cariño
|
Mga Hardware at Junkshop sa Ilocos Norte at Laoag City
|
03-16-20
|
Dalawang linggo
|
Pagkalap ng pondo sa pamamagitan ng solicitation sa paaralan, School Administration, estudyante, at PTA.
|
Ikatlong Grupo ng HUMSS 11 Cariño
|
Ilocos Norte College of Arts and Trades at sa mga magulang at estudiyante na nag-aaral sa paaralan
|
03-30-20
|
Labing-apat na araw
|
Pagsimula ng paghahanap at pagkalap ng basura upang ibenta para magkaroon ng karagdagang pondo.
|
Mga estudiyante ng INCAT at ang Ikatlong Grupo ng HUMSS 11 Cariño
|
Ilocos Norte College of Arts and Trades
|
04-14-20
|
Pitong araw
|
Pagbili ng mga materyales na kakailanganin
|
Ikatlong Grupo ng HUMSS 11 Cariño
|
Mga Hardware store sa Ilocos Norte at Laoag City
|
04-21-20
|
Limang araw
|
Pagsisimula sa pagsasaayos ng naturang MRF
|
Mga Laborer na nahanap at na-hire
|
Ilocos Norte College of Arts and Trades
|
06-08-20 hanggang kasalukuyan
|
--------
|
Pagsisimula ng pagpatupad sa ikalawang bahagi ng proyekto na pagbibili ng basura mula sa mga estudyante at pagbenta sa mga manufacturers o junkshop
|
Ang buong populasyon ng INCAT
|
Ilocos Norte College of Arts and Trades
|
C. Badyet
Ang kabuoang magagastos para sa pagpapatayo ng MRF ay P 109, 789.90
A. CARPENTRY WORKS
| |
MATERIALS COST
|
P17,279.90
|
LABOR COST
|
P 27, 029.90
|
B. ROOFING
| |
MATERIALS COST
|
P 19,000
|
LABOR COST
|
P 31, 670
|
C. MASONRY WORKS
| |
MATERIALS COST
|
P 13,360
|
LABOR COST
|
P 23,860
|
D.CONCRETE WORKS
| |
MATERIALS COST
|
P 17,030
|
LABOR COST
|
P 27,230
|
TOTAL ESTIMATED COST PARA SA BUONG PROYEKTO
|
P 109, 789.90
|
III. Kongklusyon
A. Pakinabang
Kailangang maunawaan na sa pagpapatayo ng mabuting MRF para sa paaralan ay mabibigyan solusyon ang problema ng INCAT ukol sa pamamahala ng basura at sa tambak ng basura sa paligid-ligid ng paaralan. Matutulungan ang administrasyon at mga faculty sa pagsasaayos ng paaralan, lalong-lalo na sa mga janitor. Maari ring maayos ang hindi magandang segregasyon ng mga estudyante dahil mayroon silang direktang kooperasyon sa pagsasaayos sa suliraning ito.
Bukod pa sa benepisyong naibibigay nito sa kaayosan ng paaralan ay natutulungan din nito ang paaralan sa pag-iipon ng pondo para sa mga iba’t ibang gastusin ng paaralan na nagiging mabisang pangmatagalang solusyon sa suliranin ng basura at sa mapagkukuhanan na rin ng pera para sa mga miscellaneous na gastusin ng paaralan.
Comments
Post a Comment