Posisyong Papel: El Punto de Vista

PAGSUOT NG UNIPORME: KAILANGAN BA O HINDI?

Uniporme. Isa sa mga prominenteng magbibigay ng pagkakakilanlan sa isang institusyon at ng mga estudyanteng pumapasok dito. Gayunpaman, isa ito sa mga usapang hindi nabubura dahil mayroong magkatunggaling panig tungkol dito, kung ito ba ay kinakailangan o hindi ng mga estudyante at kung paano ba ito nakakaapekto sa pag-aral ng mga kabataan.

Palaging ipinglalaban ng katunggali na mainam ang pagsuot ng uniporme sa paaralan ngunit napagtanto namin na hindi naman talaga kailangan ang pagsusuot ng uniporme dahil wala naman itong significant na maidudulot sa paaralan.

Ayon sa katunggali, ito raw ay nakakakulong sa pagdaragdag ng seguridad ng bawat estudyante, magtatanggal ng diskriminasyon patungkol sa socio-economic class , nakakabawas ng gastusin sa mga magulang dahil sa iisang set ng mga uniporme ng bata at hindi na kinakailangan ang pabago-bagong kasuotan, at nakatutulong ito sa paglalaan ng mga estudyante ng kanilang atensyon sa pag-aaral.

Ngunit sa aming panig, sa tulong ng mga nakalap naming mga impormasyon mula sa iba’t ibang pahayagan kagaya ng PhilStar at iba pa, maaari itong maging infringement sa karapatan ng mga estudyante na ipahiwatig ng kanilang sarili gamit ng kanilang pananamit at kahit naman nakasuot ng uniporme ang mga estudyante ay hinding-hindi nawawala ang diskriminasyong patungkol socio-economic na apeto ng buhay.

Sinusuportahan din ng United States Department of Education (US DepEd) ang naratibong ito bilang isang disguise sa mga pundamental na problema ng paaralan.

Bukod pa rito, mayroong mga paaralan na hindi pinapapasok ang mga estudyanteng hindi pinapapasok ang mga estudyanteng hindi nakasuot ng uniporme ngunit ayon sa DepEd Public Advisory, hindi dapat pilitin at ipagbawal na pumapasok ang mga estudyanteng walang pambili o kakayahang makapagpagawa ng uniporme. Ang gawaing ito ay nagsasantabi ng karapatan ng mga estudyante.

Ang tanging nais namin ay ang maituon ang atensyon sa tunay na problema at bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataon na ipinahiwatig ang kanilang sarili o makatipid sa gastusin mula sa mga uniporme. Kung ang concern ng katunggali ay tungkol sa dress code, maaari naman itong solusyonan gamit ng mga dress code.

Comments