Replektibong Sanayasay:Una Retrospección
MAKATARAUNGAN BA O HINDI?
Kamakaylan lamang ay naging mainit ang balitang patungkol sa isang gurong natanggal ang lisensya sa pagiging guro dahil sa ginawa niyang "pagdisiplina" sa isa niyang estudyante. Nagreklamo ang lola ng estudyante dahil sa kaniyang ginawa sa kanyang apo at idineretso niya ito sa "Raffy Tulfo in Action" kung saan pinapili siya kung itataas nila ang kaso sa korte o kung aalisan siya ng lisensiya at pinili niya ang mas nahuli. Kung sisiyasatin ang sitwasyon, karapat-dapat ba ang ginawa nila o ang proseso ng pagkakalakad batay sa mga ebidensiyang naipresenta?
Dahil sa mainit na diskusyon tungkol sa balitang ito, hindi kabigka-bigla na nalaman ko ito. Ako ay nairit noong narinig ko itong balita na kung saan napakaraming mga tao ang nagkaroon ng reaksyon tungkol dito at ang palabas naman ni Tulfo ay hindi masyadong lihitim ang mga "premises" na nagbasehan nila sa pagpapatanggal ng lisensya ng guro.
Bukod pa riyan, hindi magkapareho ang abuso sa disiplina na ipinaglalaban ng lola na abuso na raw ang ginawa ng guro at maaari pang maging sanhi ng pagkatrauma ng estudyante ngunit kailangan din na isaalang-alang ang mga katotohanan sa mga salitang iyan dahil hindi naman dahil sa isang pagpapahiya ay makakaapekto na ng mental na sakit sa bata.
Dagdag pa rito, sapat ba na tanggalin ang kanyang lisensiya dahil lamang sa simpleng pagdisiplina sa batang pasaway naman? Hindi na moral ang naging proseso at sa mga "premises" na nagibasehan nila sa pagtanggal ng kanyang lisensiya. May mga batas pa rin na sinusunod ang mga respektibong pasilidad na namumuno sa mga isyung ito.
Sa aking pananaw, may mga etika na nabigyan ng halaga at may mga etika naman na naisantabi. Sa mga nabigyan ng pagpapahalaga, naipakita ang kahalagan ng disiplina at mga gamit ng malayang pag-iisip. Samantalang ang mga etika kagaya ng responsibilidad ng guro na bigyan ng disiplina ang estudyante ay pinagmukha pang abuso, ang kanyang dedikasyon sa pagtuturo kinuhanan ng karapatan at nasira pa ang kanyang dignidad dahil dito.
Hindi makatarungan ang prosesong kanilang ginawa at hindi ito tama. Bukod sa hindi wastong mga ginamit na "premises" naisantabi pa ang karapatan ng guro.
Comments
Post a Comment