Bionote: Historia Profesional

DRA. GAMBOA: KATANGI-TANGING LEGISIYA



Si Dra. Imelda Lopez Gamboa, ipinanganak sa Manila, ay isang rehistradong dentista sa larangan ng orthodonticsrestorative dentistry atbp, sa kanyang sariling klinika na “Gamboa Dental Clinic”. Nag-aral siya sa La Consolation ng mataas na paaralan noong 1979-1983 at sa kolehiyo naman ay nag-aral siya ng dentistry sa De Ocampo Memorial College sa Santa Mesa, Manila mula 1983 at nakapagtapos noong 1990 at naging ganap na dentista. Ilan sa mga organisasyong kanyang kinabibilangan para sa mga dentista ay ang Philippine Dental Association (PDA) kung saan isa siyang Board Member nito at Immediate Past President (2019-kasalukuyan) ng Ilocos Norte Dental Chapter. Ginawaran din siya ng Leadership Award at Presidential Merit Award ng Philippine Dental Association. Naging Chief Delegate ng House of Representative rin siya noong 2018. May mga programa  din siyang inilunsad na mga programa ngayong 2019 kagaya ng Serbisyong Pinoy at Pansagip Dugong Alay sa pakikipagtulungan sa Phil. Red Crosna naglalayong tumulong sa mga nangangailangan ng dugo at makatulong sa mga nangangailangan.  Bukod sa pagpapatakbo ng kanyang sariling klinika, siya rin ang nagmamay-ari ng GT Enterprise na nagbebenta ng mga iba’t ibang kagamitang pang-medical. Simula noong siya ay naging miyembro ng PDA, siya ay palaging dumadalo sa mga conference na inilulunsad ng nasabing organisasyon tulad ng PDA Regional Conference at ang taunang PDA Conference.

Comments

Post a Comment