Photo Essay: Imagina Recuerdos Perfectos
MANGHA AT ALIW NA MATATANAW SA INCAT
Kamanghamangha. Sa pagbungad pa lamang ng gate ng Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT) ay makikita mo na ang kaibahan nito sa ibang mga paaralan. Sa mismong arko ng harap nito ay makikita mo na ang malaking arkong may hugis ng gear wheel na ito. Sinisimbolo ito ang pagkamasining at pagkakaiba ng paaralan na ito sa iba.
Isang kakaibang karanasan sa paaralan na ito ay ang pagkakaroon nito ng mga gulayang sariwang-sariwa ang itsura nito. Ang iba’t ibang mga gulay at halaman na namumukadkad dito ay makikitang pinananatili ng mga guro at mag-aaral na dahilan kung bakit maganda ang hitsura nito
Wala namang makakatalo sa bagong landmark na ito. Ang INCAT LOVES YOU ng Batch 2004 ang makabagong attraksyon sa paaralan na dinadayo hindi lamang ng mga estudyante at guro ng INCAT kundi pati ng iba pang paaralan. Kagaya ng kaakit-akit na hitsura nito, sinisimbolo nito ang kagandahan ng paaralan habang ang tibay nito ay nagpapahiwatig ng katibayan ng INCAT sa gitna ng mga problema na nananatili pa ring maganda.
Comments
Post a Comment